Pormal na tinanggap ni Mayor Khymer Olaso ang mga yunit at inilarawan ang donasyon bilang malaking tulong sa mobility at field operations ng lungsod.
Sa flag-raising ceremony noong umaga ng Lunes, Hulyo 20, nagpasalamat si Mayor Olaso sa Unique Motor Center, sa pamumuno ni Country Regional Head Ryan Jude Camus. Sinabi niyang ang donasyon ay sumasalamin sa dedikasyon ng pribadong sektor na suportahan ang mga serbisyo publiko at tulungan ang lokal na pamahalaan na makapaghatid ng mas mabilis at mas mahusay na serbisyo sa mga Zamboangueño.
Ang mga na-donate na Motorsiklo ay magsisilbing karagdagan sa mga kagamitang kailangan ng lokal na pamahalaan para sa mobility, kung saan kabilang ang Zamboanga City Police Office (ZCPO) sa mga tatangap nito. Inaasahang mapapalakas ng mga karagdagang yunit ang police visibility, pagtugon sa mga emergency, at paghahatid ng mga frontline service sa buong lungsod. Samantala ang dalawang TVS Kargo Patrol Pickups ay gagamitin ng (OCENR) sa paghakot ng mga basura sa mga eskinitang lugar sa down town area.
Matapos ang turnover, nagsagawa ng courtesy visit ang mga opisyal ng Unique Motor Center kay Mayor Olaso sa City Hall. Dito, muling pinagtibay ng magkabilang panig ang kanilang pangako na ipagpatuloy ang pagtutulungan sa mga programa at inisyatibong nagsusulong ng kapakanan ng publiko at pag-unlad ng komunidad.
Dumalo sa naturang turnover ceremony sina Chief of Staff at Secretary to the Mayor Celso Lobregat, City Administrator Percival Ramos, ZCPO Director PCol. Fidel Fortaleza Jr., at ang mga opisyal ng Unique Motor Center na sina Sales Head Sunday Julaton, Regional Head Juniel Opiano at Regional Head Ruby Estrera. (Algie Rojas).
