Mula Hulyo 17-23, 2026, sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad na naglalayong isulong ang inklusibidad at pagkakapantay-pantay para sa mga PWD, sa ilalim ng temang “Rights First, Legislation Forward-Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development.”
Pinasinayaan ang pagdiriwang sa seremonya ng pagtaas ng watawat ng pamahalaang lungsod noong Lunes, Hulyo 20, sa bakuran ng Zamboanga City Hall, kung saan ipinakilala ang buong kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) – Persons with Disabilities Affairs Unit (PDAU).
Kabilang sa mga nakahanay na aktibidad para sa pagdiriwang ang pagkakaloob ng tulong-pangkabuhayan sa mga PWD mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) noong Hulyo 20; Computer Training para sa mga lider at coordinator ng PWD sa Barangay sa pangunguna ng DICT noong Hulyo 21; PhilHealth Yakap Caravan sa Barangay Buenavista noong Hulyo 21; at ang paglipat ng PhilHealth Yakap Caravan sa Barangay Mangusu noong Hulyo 22.
Idinaos din ang isang misa ng pasasalamat para sa mga PWD sa St. Ignatius de Loyola Parish noong nakaraang Linggo, Hulyo 19, gayundin sa mga Barangay na mayroong mga asosasyon ng PWD. (Algie Rojas)
