ZAMBOANGA: PROGRAMA NG LUNGSOD SA PAGLILINIS NG BAYBAYIN, NAKAKOLEKTA NG TONELADANG BASURA SA BARANGAY CAWIT

0
2

Matagumpay na nahakot ang toneladang basura na naipon sa loob ng maraming taon sa isinagawang malawakang paglilinis ng baybayin noong madaling- araw ng Sabado, Hulyo 11, sa kahabaan ng pampang ng Barangay Cawit.

Isinagawa ang inisyatibong pangkalikasan na ito batay sa direktiba ni Mayor Khymer Olaso na paigtingin ang mga pagsisikap sa kalinisan ay sanitasyon sa mga baybaying lugar ng lungsod. Bago tumungo sa paglilinis ng baybayin, pinangunahan ni Mayor Olaso ang aktibidad ng pagtatanim ng mga punong namumunga sa Climaco Freefom Park sa Abong-Abong, Pasonanca.

Pagkatapos nito, nagtungo siya sa Barangay Cawit upang pangunahan ang operasyon sa pampang. Pinagsama-samang pwersa na binubuo ng mga empleyado ng pamahalaan, mga miyembro ng Sangguniang Barangay, mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), at ng Joint Task Force Zamboanga (JTFZ) ang nagtulungan sa operasyong ginanap nang madaling-araw: dala nila ang mga kagamitan sa paglilinis upang alisin ang napakaraming basurang naipon sa baybayin sa paglipas ng mga taon.

Personal na nakisali si Mayor Olaso sa mga kinatawan ng iba’t-ibang sektor at mga boluntaryo sa mismong lugar, kung saan nakipagtulungan siya sa mga lokal na manggagawa sa pagpulot ng basura upang mapabilis ang paglilinis.(Algie Rojas)

Source: City Government of Zamboanga.

Leave a Reply