ZAMBOANGA: PINALALAKAS NG LOCAL YOUTH DEVELOPMENT OFFICE (LYDO) ANG MGA PROYEKTONG “ROAD TO 3-E” PARA SA MGA (OUT-OF-SCHOOL YOUTH OSY)

0
2

Pinulong ng Local Youth Development Office ( LYDO) ang mga katuwang na ahensya sa mga stakeholder noong Miyerkules, Hulyo 08, upang pinalinaw at tapusin ang mga paghahanda para sa proyektong “Road to 3-E: Education, Employment, and Enterpreneurship” na nakatakda sa Hulyo 14, 2026.

Pinangunahan ni Christian Olasiman-ang Assistant City Administrator for Operations na siya ring Local Youth Drvelopment Officer-ang Pagpupulong. Tinalakay dito ang mga huling detalye ng aktibidad na inaasahang dadaluhan ng humigit-kumulang na 800 kabataang hindi na nag-aaral (Out-of-School Youth o OSY) mula sa iba’t ibang Barangay, kabilang ang “Council of Greeks”(Mga Fraternity at Sorority sa Zamboanga City).

Gaganapin ang aktibidad sa Martes Hulyo 14, 2026, sa Royce Convention, Astoria na matatagpuan sa Mayor Jaldon Street. Tumutulong sa pag-oorganisa at pagtukoy ng mga kalahok para sa “Road to 3-E” ang Sangguniang Kabataan Federation sa pamumuno ni Councilor CJ Dalipe, katuwang ang Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP) at ang 4H Club. Mayroon ding mahigit 20 katuwang na ahensya ng gobyerno ang LYDO na maghahatid ng tulong at serbisyo para sa mga OSY sa nasabing aktibidad, kabilang ang “mini job fair” mula sa Public Employment Service Office (PESO) at Department of Labor and Employment (DOLE-9). Layunin ng “Raod to 3-E” na bigyan ng access sa mga oportunidad sa Edukasyon, Pagpapaunlad ng kasanayan, Trabaho, at Pagnenegosyo sa pamamagitan ng pag-uugnay sa kanila sa mga programa at serbisyong inaalok ng mga ahensya tulad ng Dep Ed, Alternative Learning System (ALS), DOLE, PESO, TESDA, DTI, at iba pang mga stakeholder. Ang inisyatibong ito ay bunga ng pagtutulungan ng Office of the City Mayor, LYDO, Jovenes Allianza de Zamboanga, at Local Youth Development Council, na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga kabataan at palawakin ang kanilang mga oportunidad para sa personal at propesyonal na paglago.

Dumalo sa pagpupulong na ginanap sa PIO Media Room ang mga kinatawan mula sa PYAP, 4H Club, Council of Greeks, Local Youth Development Council (LYDC), at mga miyembro ng LYDO. (Algie Rojas) Source: City Government of Zamboanga.

Leave a Reply