ZAMBOANGA: OPISYAL NA BINUKSAN ANG IKA- 31 POLICE COMMUNITY RELATIONS MONTH SA ZAMBOANGA CITY POLICE OFFICE (ZCPO)

0
1

Pinangunahan ni PCOL FIDEL B. FORTALEZA JR, City Director ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), ang seremonya na pagbubukas para sa ika-31 Police Community Relations (PCR) Month 2026, kasama ang panauhing pandangal at Tagapagsalita na si Atty. Alexis C. De Lima, ang Acting Assistant Regional Director ng NAPOLCOM Region 9. Opisyal na sinimulan ng seremonya ang isang buwang pagdiriwang, na nagtipon sa mga tauhan ng pulisya, mga ahensyang katuwang, at mga stakeholder upang suportahan ang mas matibay na ugnayan ng pulisya at komunidad.

Sa kanyang mensahe, pinapaalalahanan ni Atty. De Lima ang lahat na ang pagkamit ng tiwala ng publiko ay nagsisimula sa katapatan, pananagutan, at de-kalidad na serbisyo publiko. Binigyang diin din niya na

ang seguridad ay usaping kinasasangkutan ng lahat at ang pagpapanatili ng kaligtasan sa mga komunidad ay nangangailangan ng sama-samang pamgako ng pulisya, lokal na pamahalaan, mga ahensyang katuwang, at ng publiko. Hinikayat niya ang mga tauhan ng pulisya na patuloy na maglingkod nang may propesyonalismo at malasakit habang nakikipagtulungan nang malapit sa komunidad upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng mga pamayanan.

Itinampok sa kaganapan ang tema ngayong taon na “Sa Bagong Pilipinas, Ugnayang Pulis at Mamamayan: Tapat, Maasahan, at Nararamdaman ng Bayan,” na sumasalamin sa pangako ng PNP sa mas matibay na ugnayan ng pulisya at komunidad. Muling pinagtibay ng ZCPO ang kanilang Dedikasyon sa pakikipagtulungan sa komunidad at mga stakeholder upang isulong ang kapayapaan, seguridad, at tiwala ng publiko. (Algie Rojas) Source: PNP Zamboanga City Police Office.

Leave a Reply