Ang Criminal Investigation and Detection Management Unit (CIDMU), sa ilalim ng pamumuno ng kanilang Acting Chief na si PMAJ JAKE P. CAPITLY, ay nagsagawa ng isang-araw na seminar tungkol sa wastong pag-encode sa CIRAS at pagtatala sa police blotter para sa mga gumagamit ng CIRAS mula sa Zamboanga City Police Station 1 hanggang Zamboanga City Police Station 14. Tampok sa aktibidad ang mga resource speaker mula sa Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) sina PSSG Leizle A. Isnani (CRAS PNCO) at NUP Jay-ar L. Supnet (Statistician I) na tumalakay sa mga pamamaraan at patakaran sa police blotter, wastong paglalagay ng datos sa blotter, at tamang pag encode ng impormasyong may kaugnayan sa krimen sa CIRAS.
Layunin ng seminar na paunlarin ang kaalaman at kasanayan ng mga tauhan ng pulisya upang matiyak ang tumpak, kumpleto, at napapanahong pag-uulat, dokumentasyon, at pag encode ng impormasyon sa mga rekord, pati na rin ang epektibong paggamit ng teknolohiya. (Algie Rojas)
Source: PNP Zamboanga City Police Office.
