Inilalapit ng Couples for Christ (CFC) ang kanilang misyon sa pangangalagang pangkalusugan na nakatuon kay kristo sa Zamboanga City, kung saan magbibigay sila ng libreng Serbisyong medikal, dental, at surgical para sa mga kapus-palad na residente ng Zamboanga simula sa Enero 2027.
Iniharap ng mga kinatawan ng (CFC) ang panukalang proyekto kay Mayor Khymer Olaso sa City Hall noong umaga ng Martes, Agosto 25, bilang bahagi ng programang * Answering the Cry of the Poor* (ANCOP) ng organisasyon.
Sa ilalim ng panukala, magsasagawa ng apat na araw na Medical and Dental Mission sa mga piling barangay katuwang ang pamahalaang lungsod, habang nakaplano naman ang hiwalay na Surgical Mission sa Zamboanga City Medical Center (ZCMC).
Sinabi ng CFC na ang mga misyong ito ay susuportahan ng mga doktor, nars, at iba pang propesyonal sa kalusugan mula sa iba’t ibang panig ng mundo na handang magbahagi ng kanilang oras, kadalubhasaan, at mga yaman para sa mga residenteng nangangailangan.
Ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa nakabatay-sa- pananampalatayang pangako ng CFC na maglingkod sa mga komunidad na kapus-palad, alinsunod sa panawagan ni kristo na pangalagaan ang mga nangangailangan, gaya ng nakasaad sa Mateo 25: 40.
Inatasan ni Mayor Olaso ang City Health Office (CHO) na makipag-ugnayan sa CFC hinggil sa mga panukalang misyon at sa implementasyon nito, bilang pagbibigay-diin sa pagsisikap ng administrasyon ng lungsod na palawakin ang akses sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga bulnerableng residente. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.
