ZAMBOANGA: MAYOR OLASO, APELA PARA SA PAGSUNOD NG MGA VENDOR SA SIDEWALK ORDINANCE

0
9

Nagpatawag ng dayalogo si Mayor Khymer Olaso sa mga vendor na umuokupa sa mga bangketa sa buong downtown area ng lungsod Miyerkules ng hapon, Hulyo 29, na umaapela sa kanilang kooperasyon bago ang pagpapatupad ng Agosto 3 ng Ordinansa Blg.

Sa pagpupulong sa Conference Room ng City Hall, ipinaliwanag ni Mayor Olaso kasama si City Administrator Percival Ramos, ang mga probisyon ng ordinansa at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsunod sa panukakang isinabatas ng Sangguniang Panlungsod, na ipinatutupad ng pamahalaang Lungsod alinsunod sa direktiba ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Nilinaw ng Alkalde na hindi pinagbabawalan ng pamahalaang lungsod ang mga vendor na maghanapbuhay bagkus ay inaatasan ang mga vending activities na isagawa sa mga lugar na hindi nakaharang sa mga bangketa, na para lamang sa mga pedestrian sa ilalim ng ordinansa.

Sa pagkilala sa sitwasyon ng maraming apektadong vendor, inatasan ni Mayor Olaso ang mga kimauukulang opisyal ng lungsod na galugarin ang mga posibleng opsyon sa relokasyon at iba pang naaangkop na hakbang upang matulungan silang magpatuloy sa kanilang kabuhayan. Umapela din ang local chief executive sa mga vendors para sa kanilang kooperasyon habang naghahanda ang lungsod na ipatupad ang Ordinansa sa Lunes, Agosto 3. “Ang hinihingi ko, mag-cooperate kayo kay Sir Percy,” aniya, na tinutukoy si Ramos, na siyang nag-coordinate sa pagpapatupad ng panukala.

Samantala, hinimok ni Ramos ang mga vendor na gamitin ang mga natitirang araw bago ang pagpapatupad upang maghanap ng mga alternatibong lugar na pagtitinda. “Habang may panahon pa, maghanap na kayo ng lugar. Kung hindi namin ito susundin, kakasuhan kami ng DILG. Kakasuhan si Mayor,” he said.

Bilang bahagi ng pagsisikap ng lungsod, sinabi ni Mayor Olaso at Ramos na ang pamahalaang lungsod, kasama sina Executive Assistant on Traffic Management Edwin de Ocampo at Assistant City Administrator Christian Olasiman, ay nag-e-explore ng mga poaibleng relocation site, kabilang ang Night Market sa Magay, bukod sa iba pang mga opsyon na maaaring tumanggap ng mga apektadong vendor.

Sa ilalim ng ordinansa, ang mga lalabag ay mahaharap sa administrative fine na P1,000 para sa unang paglabag, P 3,000 sa ikalawang paglabag, at P5,000 para sa ikatlo at kasunod na mga paglabag. Ang mga hindi makabayad ng mga administratibong multa ay kinakailangang magbigay ng dalawang oras na serbisyo sa komunidad.

Itinakda pa ng ordinansa na ang pagtanggi na magbayad ng mga iniresetang multa ay maaaring magresulta sa pagsasampa ng kaso sa korte. Kapag nahatulan, ang mga lumabag ay maaaring makulong ng hindi bababa sa limang araw o higit sa 30 araw, sa pagpapasya ng korte at multa na P5,000 para sa bawat paglabag. (Algie Rojas)

Source: City Government of Zamboanga.

Leave a Reply