Libo-libong kabataan ang nagtipon sa Mayor Cesar C. Climaco Avenue upang lumahok sa *Marcha de los Jovenes* at iba pang mga kampanyang adbokasiya bilang pagdiriwang ng International Youth Day 2026.
Kinakatawan ang iba’t-ibang organisasyon ng kabataan mula sa buong lungsod pati na ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor, nagmartsa ang mga kalahok mula sa City Fire Station patungong Paseo del Mar. Ipinamalas nila ang kanilang mga natatanging Sigaw ng grupo, nagwagayway ng makukulay na maliliit na watawat, at nagsuot ng iba’t-ibang uri ng kasuotan.
Sa paseo del Mar, idinaos ang iba’t-ibang aktibidad kabilang ang pangunahing programa, ang Local Youth Development Council (LYDC) Org Fair, at ang Mister and Miss Youth Ambassador Competition, na nagdiriwang sa pakikilahok, pagkakaisa, at pagpapalakas ng kakayahan ng mga kabataan.
Sa pangunguna ng LYDC katuwang ang Sangguniang Kabataan (SK) Zamboanga Federation at ang Local Youth Development Office, ang pagdiriwang ng International Youth Day ay may temang: “Different Context, Common Aspirations.” Binigyang-diin nito ang magkakaibang karanasan ng mga kabataan habang kinikilala ang kanilang mga pangarap, pag-asa, at mithiin na nagbubuklod sa kanilang lahat.
Dumalo sa nasabing aktibidad si Acting Mayor Beng Climaco, na kinilalang tagapagtaguyod ng pagpapalakas sa kakayahan ng kabataan, kasama sina Councilor Kim Villaflores (SK President at Konsehal), Councilor CJ Dalipe, at Assistant City Administrator na siya ring LYDO na si Christian Olasiman.
Naging tampok sa kaganapan ang Mister and Miss Youth Ambassador Competition kung saan 18 kandidato siyam na babae at siyam na lalaki ang nagtanghal sa entablado. Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang buong potensyal, kumpiyansa, talento, at mga adbokasiya, na sumasailalim sa diwa ng pagiging empowered at dinamiko ng mga kabataan ng Zamboanga. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.
