Inilahad ni Mayor Khymer Olaso ang mga inobasyon ng kanyang administrasyon at ang mga oportunidad sa negosyo ng lungsod sa isang townhall meeting sa Los Angeles kasama ang mga negosyante mula sa Southern California kamakailan.
Ang townhall meeting ay inorganisa ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng City Tourism Office, katuwang ang Philippine Consulate General sa Los Angeles, California.
Sa nasabing pagpupulong, ibinahagi ni Olaso ang mga inobasyong ipinatupad ng kanyang administrasyon mula nang maupo siya sa puwesto noong 2025, at tinalakay din nang detalyado ang profile ng Zamboanga City pati na ang mga oportunidad nito sa negosyo.
Sa kabilang banda, ipinakilala naman ni City Tourism Officer Sarita Sebastian ang mga produktong pangturismo ng lungsod. (Algie Rojas)
Source: City Tourism Office.
