Nanawagan si Mayor Khymer Olaso para sa hakbangin upang mapanatili at maitaguyod ang wikang Chavacano, at binigyang-diin na ang pangangalaga sa kultura ay isang pangunahing prayoridad ng lokal na pamahalaan.
Sa ikatlong araw ng Technical Budget Hearing para sa Fiscal Year 2027, muling binigyang-diin ni Mayor Olaso na ang natatanging pagkakakilanlan ng lungsod ay nakasalalay sa katutubong wikang *creole*na nakabase sa Espanyol.
Hinimok niya ang City Tourism Office na bumuo ng mga hakbangin at planong operasyonal na nakaayon sa mga layunin ng pamahalaan sa pangangalaga ng kultura. Binigyang-diin din ng Punong Lungsod ang pangangailangang suportahan ang tradisyonal na kultura ng paghahabi sa Zamboanga, at itinampok ang lokal na kahusayan sa paggawa bilang isa pang mahalagang haligi ng mayamang pamana ng lungsod.
Sa ikatlong araw ng pagdinig sa badyet, nagtipon ang mga pinuno ng iba’t ibang departamento ng lungsod at Colegio de la Ciudad de Zamboanga upang ilahad ang kanilang mga iminumungkahing programa, proyekto, at gastusin para sa darating na *fiscal year.*
Dumalo sa nasabing sesyon ang mga miyembro ng Finance Committee kabilang sina Councilor Litlit Macrohon, Chief of Staff at Executive Secretary Celso Lobregat, City Budget Officer Geraldine Dela Paz, City Planning and Development Coordinator Ma. Luz Agbayani, at iba pang kinatawan ng lokal na pamahalaan. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.

