Inatasan ni Mayor Olaso ang mga tauhan ng City Engineer’s Office (CEO) na magsagawa ng operasyon sa pag tanggal at paglilinis ng mga nakabara sa mga drainage system at kanal. Layunin nito na makatulong sa pag-iwas sa pagbaha sa gitna ng masamang panahon na nararanasan sa Zamboanga City dulot ng Southwest Monsoon o habagat simula pa noong gabi ng Miyerkules, Hulyo 22.
Makikita sa mga larawan ang mga tauhan ng CEO habang inaalis ang putik, basura, at mga nakabara sa sapa sa Malasiga, San Roque, na umapaw matapos ang tuloy- tuloy na pag-ulan noong Huwebes.
Nagsagawa rin ng paglilinis ang grupo ng CEO noong Huwebes upang alisin ang mga bara sa mga drainage area sa sentro ng lungsod na madalas bahain. (Algie Rojas)
Source: City Engineer’s Office (CEO).
