ZAMBOANGA: HINIMOK NI MAYOR OLASO ANG MGA KABATAAN: IWASAN ANG DROGA, SUPORTAHAN ANG PAG-UNLAD NG LUNGSOD

0
6

Biningyang-diin ni Mayor Khymer Olaso noong Lunes, Agosto 3, ang pangangailangan para sa mga organisasyong miyembro ng Local Youth Development Council (LYDC) na bumalik sa mga komunidad at tumulong sa paghubog ng disiplina sa mga kabataan, paglaban sa adiksyon sa droga, at pagtulong sa pamamahala ng basura at pagpapanatili ng kalinisan.

Binigyang-diin ito ng alkalde habang dumadalo siya sa pagpupulong para sa ikatlong kwarter ng Local Youth Development Council (LYDC) na pinangunahan nina Sangguniang Kabataan Federation President at Councilor CJ Dalipe at Assistant City Administrator at kasabay na Local Youth Development Officer na si Christian Olasiman sa conference room ng City Hall.

Tinukoy ni Mayor Olaso ang mga kabataan bilang mahahalagang katuwang sa pagbuo ng bansa at hinimok silang makipagtulungan sa pamahalaan upang makamit ang makabuluhang pag-unlad para sa lungsod.

Muli niyang ipinaalala na bagaman nananatili siyang madaling lapitan at sumusuporta, dapat laging manaig ang disiplina at pananagutan. “Pinoprotektahan ko ang mga kabataan,” pahayag ni Mayor Olaso, habang muling pinagtitibay ang kanyang pangako na pangalagaan ang kapakanan at kinabukasan ng mga kabataang Zamboangueño.

Samantala, tinalakay sa pagpupulong ang paparating na pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan mula Agosto 10-14, kabilang ang pagpapakilala sa susunod na grupo ng Youth City Officials.

Sa Agosto 12 ang International Youth Day magsasagawa ang sektor ng kabataan ng “Marcha de los Jovenes” Mula sa City Fire Station patungong Paseo del Mar, kung saan gaganapin ang isang programa. Inaasahang maghahatid ng kanyang “State of the Youth Address” si Councilor CJ Dalipe.

Magkakaroon din ng Youth Organizational Fair sa panahon ng Linggo ng Kabataan, na magtatampok ng mga booth mula sa mahigit 60 organisasyon ng kabataan na magpapakita ng kanilang mga adbokasiya at proyekto, kabilang ang pagkuha ng mga bagong miyembro.

Ang mga aktibidad na ito ay pamumunuan ng LYDO sa pakikipagtulungan sa SK Federation, LYDC, at mga katuwang na ahensya. (Algie Rojas)

Source: City Government of Zamboanga

Leave a Reply