Tatlong (3) menor de edad na mga babaeng umano’y biktima ng Online Sexual Abuse at isang (1) Child at Risk ang nasagip sa Isinagawang Entrapment and Rescue Operation at pagpapatupad ng Search Warrant sa kahabahaan ng Arquiza Drive, Barangay Mampang sa Zamboanga City.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsamang team mula sa mga tauhan ng Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking Region IX, Zamboanga Sibugay Anti-Trafficking Task Force, Criminal Investigation Unit Region IX, City Social Welfare and Development Office, at iba pang law enforcement agencies.
Arestado ang isang dalawampu’t pitong (27) taong gulang na suspek na kinilala lamang sa alyas na “Raquel.” Sa ngayon ang mga binktima ay nasa pangangalaga na ng Social Welfare para sa naangkop na tulong, proteksyon, at interbensyon. Habang ang suspek ay mahaharap sa mga kaso na may kaugnayan sa Online Sexual Exploitation at Trafficking Offenses patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtotidad. (Algie Rojas)
