Pinulong ni Mayor Khymer Olaso ang mga punong-guro ng pampublikong paaralan at ang kanilang mga kinatawan kamakaylan para sa isang Technical Budget Hearing para sa Fiscal Year 2027 upang suriin ang mga prayoridad sa pondo na naglalayong palakasin ang kapakanan ng mga mag-aaral at guro.
Pinagsama-sama ng pagdinig ang mga punong-guro at kinatawan mula sa iba’t ibang pampublikong mataas na paaralan sa Zamboanga City, kung saan inilahad nila ang mga pangangailangan at mga iminungkahing programa ng kani-kanilang paaralan para sa darating na taong piskal.
Binigyang-diin ni Mayor Olaso ang pangangailangang unahin ang seguridad at kaligtasan ng publiko, pagpapaunlad ng imprastraktura, mga inisyatiba laban sa bullying, at iba pang mga programang direktang sumusuporta sa kapakanan at pag-unlad ng mga mag-aaral at guro.
Iniharap ng mga punong-guro at kanilang mga kinatawan ang mga iminungkahing pangangailangan sa badyet sa alkalde, na nag-utos na iayon ang mga ito sa mga polisiya at prayoridad ng pamahalaang lungsod habang tinitiyak ang transparency at pananagutan sa paglalaan ng pondo ng bayan. Ang pagdinig ay bahagi ng ikalawang araw ng Technical Budget Hearings ng pamahalaang lungsod, na sumaklaw rin sa mga Korte, City Prosecutor’s Office,Public Attorney’s Office, mga economic enterprise, at iba pang mga tanggapan at institusyon.
Para sa Fiscal Year 2027, bumubuo ang pamahalaang lungsod ng panukalang badyet na nagkakahalaga ng 7.85 Bilyon Pesos kung saan ang mga technical budget hearing ay nagtapos noong Agosto 28. Nagbibigay ang mga pagdinig na ito ng pagkakataon sa pamahalaang lungsod na suriin ang mga iminungkahing pangangailangan sa pondo ng iba’t ibang tanggapan at institusyon at tukuyin ang pag aayon ng mga ito sa mga prayoridad ng lungsod. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.