Pinangunahan ni Mayor Khymer Olaso ang seremonya ng panunumpa ng mga bagong na-promote na empleyado ng pamahalaang lungsod na naglaan ng 15 taon o higit pa sa serbisyo publiko.
Ang promosyon ng mga empleyado ay pagkilala sa kanilang dedikasyon at katapatan sa serbisyo publiko sa kani-kanilang larangan, habang tinatanggap nila ang mas malalaking responsibilidad sa paglilingkod sa komunidad ng mga Zamboangueño.
Nang maupo siya bilang punong ehekutibo noong nakaraang taon, nagpahayag si Mayor Olaso ng isang programa upang bigyan ng permanenteng katayuan o mas mataas na antas ng trabaho ang mga kontraktwal na empleyado ng pamahalaang lungsod na nakapaglingkod na nang 15 taon o higit pa.
Dumalo sa seremonya, na ginanap sa Conference Room ng Zamboanga City Hall, sina Chief of Staff at Executive Secretary Celso Lobregat, City Engineer Christopher Navarro, City Budget Officer Geraldine Dela Paz, at Business Permits and Licensing Chief Benjie Barredo, na patuloy na sumusuporta sa kapakanan at propesyonal na pag-unlad ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.
