Zagreb City, Croatia niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

0
17

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Zagreb City, Croatia.

Dahil dito, isang labing limang taong gulang ang nasa kritikal na kondisyon matapos na tamaan sa ulo ng bumagsak na bubong ng simbahan sa Zagreb.

Ayon sa GFZ German Research Centre for Geosciences, naitala ang pagyanig sa western balkans at may lalim itong 10 kilometro.

Samantala, sinabi naman ni Prime Minister Andrej Plenkovic na ito na ang pinaka malaking lindol na naitala sa North Croatia’s capital city na Zagreb sa loob ng 140 taon.