DOH: Marikina testing laboratory hindi pa sertipikado

0
17

Hindi pa sertipikado ng Department of Health (DOH) ang sariling laboratory testing center ng lungsod ng Marikina na gagamitin para sa early detection ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergaire, kailangan munang masiguro na may angkop na healthcare workers sa lungsod bago nila ito sertipikahan.

Aniya, dapat rin may ipatupad na biosafety measures sa naturang laboratoryo.

Samantala, magkakaroon naman ng pagpupulong ngayong araw upang ayusin ang ibibigay na technical assistance ng ahensya para magamit na ang laboratoryo.