27.8 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

WHO nagbabala sa Pilipinas ukol sa COVID-19

- Advertisement -

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa Pilipinas kaugnay sa epidemiological situation ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay WHO Western Pacific Regional Director Takeshi Kasai, dapat na ikonsidera ng bansa ang “epidemiological situation” bago tuluyang tapusin ang idineklarang enhanced community quarantine sa Luzon sa April 12.

Aniya, dapat maging maingat ang pamahalaan sa pagpapatupad ng lockdown sa buong Luzon dahil maraming aspeto na kailangang isaalang-alang dito.

Dagdag pa nito, ang susi sa epektibong lockdown ay ang pagkakaroon ng isolation place para sa mga gagamuting COVID-19 patients.

Samantala, matatandaang una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na gagawa ng rekomendasyon ang IATF-EID kaugnay sa pagpapatupad ng lockdown.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -