28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

2 opisyal ng Philippine Army isinailalim sa self-quarantine

- Advertisement -

Isinailalim narin sa self-quarantine ang dalawang opisyal ng Philippine Army na sina Spokesperson Col. Ramon Zagala at Army Chief Lt. Gen. Gilbert Gapay.

Ito ay matapos na makasalamuha ng mga ito si AFP Chief Gen. Felimon Santos Jr. na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa dalawang opisyal ng army, bagamat wala silang nararamdamang sintomas ay mas mainam na mag-self quarantine bago lumabas ang kanilang resulta sa COVID-19 test.

Dahil dito, kinokonsidera ni retired general Carlito Galvez Jr. Chief Implementer ng National Action Plan Against COVID-19 ang pagpapatupad ng case to case basis ng massive forced quarantine.

Aniya, kapag napatupad ito ay maaari nang mag-home quarantine ang mga indibidwal na paghihinalaang may taglay ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -