32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Indian engineers minamadali ng makagawa ng murang ventilators para sa mga tinamaan ng COVID-19

- Advertisement -

Minamadali na ng mga engineers sa India na makagawa ng mas mababang presyo o mga murang klase ng ventilators na gagamitin sa mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kabuuan kasi, nasa higit 40,000 lang ang mga ventilators sa India, pero hindi pa tiyak kung lahat ng mga ito ay gumagana.

Sa datos ng Ministry of Health and Family Welfare ng India, nasa 1,649 na ang kaso ng COVID-19, 41 katao na ang namamatay, at 143 ang nakarekober dito.

Samantala, sa ngayon, aabot ng higit $600 ang halaga ng isang ventilator na gawa ng isang robotics company.

Sa panulat ni Ace Cruz.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -