Water level sa Angat dam balik normal na

0
47

Bumalik na sa normal ang lebel ng tubig ng Angat dam.

Batay sa pinakahuling tala ng PAGASA Hydrology Division, sumampa na sa 180.7 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam kung saan naabot na nito ang minimum operating level ng Angat.

Dahil dito, tiniyak naman ni National Water Resources Board (NWRB) Executive Dir. Sevillo David Junior, na tataasan na nila ang alokasyon ng tubig para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ayon kay David, mula sa kasalukuyang 36 cubic meters per second ay gagawin na nilang 40 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig sa MWSS sa darating na September 1.

Matatandaang, nito lamang Hunyo ng bawasan ng NWRB ang alokasyon ng tubig matapos sumadsad sa kritikal ang lebel ng tubig sa Angat dam kung saan ito naman ang naging dahilan kung kaya’t nakaranas ng rotational water service interruption ang ilang lugar sa Metro Manila.