2 mataas na opisyal ng NPA sumuko sa Isabela

0
50

Sumuko sa mga otoridad sa Isabela ang 2 mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Cagayan Valley Regional Police Dir. Brig. General Jose Mario Espino, sumuko sa otoridad sina Joey Ramos alyas “Ka Jerome”, 48 anyos at si Jane Morales alyas “Ka Barbi” na 30 anyos.

Aniya, inayos ng ilang mga sundalo at pulis mula sa Isabela at San Mariano ang proseso ng pagsuko ng dalawang rebelde.

Dagdag pa ni Espino, si Ramos ang team leader at supply officer ng team platoon remo ng Reynaldo Command’s Central Front.

Mayroon din itong warrant of arrest dahil sa kinakaharap na 6 na kaso.

Sa ngayon, hinikayat naman ni Espino ang iba pang miyembro ng rebeldeng grupo na sumuko na rin sa mga otoridad.