Duterte naniniwala na walang karapatan bigyan ng 2nd chance si Sanchez

0
56

Buo ang paniniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang karapatan na mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang convicted rapist at murderer na si dating Caluan Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, batay sa naging pag-aaral ng Pangulo sa Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA), malinaw na hindi nito sakop ang mga bilanggong nahatulan  sa mga karumal-dumal na krimen.

Kasabay nito, mariin rin namang itinanggi ni Panelo ang naging akusasyon ni Judge Harriet Demetriou, ang hukom na nagbigay ng hatol kay Sanchez —na siya ang nasa likod ng posibleng paglaya ni Sanchez.

Paliwanag ni Panelo, isa lamang siya sa pitong abogado ni Sanchez, at kumalas na siya sa legal team nito noon pang 1995.