Friday, May 17, 2024

Water level sa Angat at La Mesa dam bahagyang tumaas

- Advertisement -

Bahagyang tumaas ang antas ng tubig sa Angat dam ngayong araw.

Sa tala ng PAGASA hydrology division kaninang alas-sais ng umaga, nasa 161.46 meters ang water level sa Angat dam.

Mas mataas ito ng kaunti sa naitalang 161.22 meters kahapon.

Maliban sa Angat, bahagya rin tumaas ang water level sa La Mesa dam na naitala sa 73.96 meters kaninang ala-sais mula sa 73.92 kahapon.

Gayundin, nadagdagan ang antas ng tubig sa mga dam ng Ambuklao, San Roque at Pantabangan habang bumaba naman sa Ipo, Binga, Magat at Caliraya dam.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -