Thursday, May 2, 2024

Wastong paggamit ng tubig iginiit sa papalapit na tag-init —NWRB

- Advertisement -

Binigyang diin ng National Water Resources Board (NWRV) na kailangang pangalaagan ang suplay ng tubig lalo na’t papalapit na ang panahon ng tag-init.

Ito’y ayon kay NWRB executive directior Sevillo David, kung saan patuloy aniyang bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam na pangunahin namang pinagkukunan ng tubig ng para sa Metro Manila.

Sinabi ni David ang desisyon ng NWRB na panatilihin ang ibinibigay na alokasyon sa mga water concessionaires ay upang maiwasan na rin ang narasanang matinding krisis sa tubig noong nakaraang taon.

Ito pong mga panahon na ‘to ay dahil wala na rin po tayong masyadong mga pag-ulan, pababa po ang lebel niya (Angat Dam), kaya po kailangan din po nating pangalagaan ‘yung paggamit natin ng tubig na mapaabot natin hanggang sa susunod na mga buwan,” ani David. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img