31.7 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Walang taas pasahe habang inaayos ang MRT—DOTr

- Advertisement -

Tiniyak ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na walang pagtaas sa singil sa kanilang pasahe kahit pa isasailalim sa rehabilitasyon ang buong linya nito sa susunod na taon.

Ayon iyan kay Transportation Usec. Timothy John Batan ay kasunod ng paglagda ng loan agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan para sa rehabilitasyon ng MRT na nagkakahalaga ng labing walong (18) bilyong piso

Binigyang diin ni Batan na malinaw ang atas sa kanila ni Transportation Secretary Arthur Tugade na unahin ang pagsasaayos ng serbisyo para sa kapakinabangan ng mga pasahero bago isipin ang karagdagang kita mula sa mga ito.

Sa ilalim ng rehabilitasyon sa MRT na tatagal hanggang 2022, isasaayos ang lahat ng sub-components ng MRT 3 tulad ng pagpapalit ng riles, power supply at makina sa mga bagon gayundin ang pagdaragdag ng mga gamit sa depot at general overhaul sa mga lumang bagon nito.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -