Monday, May 6, 2024

Pag-endorso ni Pangulo kay Mar Roxas ikinatuwa ni VP Robredo

- Advertisement -

Tila inamin na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na kuwalipikado pa ring humawak ng pampublikong posisyon ang kaniyang dating katunggali na si dating Secretary Mar Roxas.

Iyan naman ang reaksyon ni Vice President Leni Robredo matapos ang tila pag-endorso ng Pangulo kay Roxas na tumatakbo sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, natutuwa siya dahil sa ito ang kauna-unahang pagkakataong nakarinig siya ng papuri mula kay Pangulong Duterte para sa isang dating miyembro ng oposisyon.

Magugunitang matindi ang naging banggaan nila Roxas at Pangulong Duterte noong 2016 presidential elections kung saan si Roxas ang tumatayong pangulo ng noo’y ruling party na Partido Liberal.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img