Monday, May 6, 2024

PNP handang arestuhin si Ginang Marcos sakaling iutos na ng korte

- Advertisement -

Handa ang Pambansang Pulisya na arestuhin si dating unang ginang ngayo’y Ilocos Norte 2nd District Representative Imelda Romualdez Marcos.

Ito’y sa sandaling maglabas na ng warrant of arrest ang 5th Division ng Sandiganbayan matapos hatulan nito ng guilty si Ginang Marcos sa patumpatong na kasong katiwalian.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, naghihintay na lamang sila ng direktiba mula sa anti-graft court para ipatupad at isilbi ang warrant bilang bahagi ng kanilang mandato.

Magugunitang hinatulan ng anim na taon at isang buwan hanggang labing isang taong pagkakabilanggo si Ginang Marcos para sa pitong patong na kaso ng graft na isinampa laban sa kaniya.

Nag-ugat ito sa paglilipat ng dalawandaang (200) milyong dolyar na umano’y nakaw na yaman ng pamilya Marcos sa pitong Swiss foundations gamit ang pseudo names noong siya’y ministro pa ng human settlements at gobernador ng Maynila noong 1975.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img