Walang mali sa pakikipagpulong ni VP Robredo sa mga U.S officials hinggil sa war on drugs — Sen. Lacson

0
14

Walang mali sa pakikipag pulong ni Vice President Leni Robredo sa mga opisyal ng Estados Unidos hinggil sa kampanya kontra iligal na droga.

Ito ang binigyang diin ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, hinggil sa isyu ng seguridad at pagpapatupad ng batas sa bansa.

Ayon kay Lacson, matagal nang ginagawa ang pakikipag-pulong ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga kaalyadong bansa hinggil sa isyu na kinakaharap ng gobyerno.

Aniya, malaking tulong sa pamahalaan ano man ang ibibigay na impormasyon ng Estados Unidos.

Gayunman, nilinaw naman ni Lacson na sa intelligence gathering lamang maaring makialam ang Amerika at hindi ito maaring makisawsaw sa pagpapatupad ng batas sa Pilipinas.