DFA nilinaw na hindi pa kailangang lumikas ng mga Pinoy sa Hong Kong

0
16

Nilinaw ng Dept. of Foreign Affairs o DFA na hindi pa kailangang lumikas ng mga Pilipino sa Hong Kong.

Ito ay sa kabila ng kaguluhan sa Hong Hong, bunsod ng kaliwa’t-kanang mga kilos protesta sa lugar.

Ayon sa DFA, fake news ang kumakalat na balita sa social media kung saan nakasaad na hindi na ligtas ang mga Pinoy sa Hong Hong dahil sa kaguluhan doon.

Pinayuhan naman ng DFA ang mga OFW sa Hong Kong na manatiling alerto at umiwas muna sa mga lugar kung saan may mga protesta.

Gayunman, tutol naman ang konsulado ng bansa na magpatupad ng deployment ban sa Hong Kong dahil wala pa namang report hinggil sa mga nasasaktang Pinoy dahil sa mga protesta.

Ayon kay Consul Gen. Rally Tejada, nasa ligtas na kalagayan pa ang mga Pinoy sa Hong Kong sa kabila ng pagpapatuloy ng marahas na protesta.

Samantala, nasa kabuuang 370,000 ang bilang ng mga pilipinong nasa Hong Kong.