Mga bagong proyekto ng Build, Build, Build mas mapapakinabangan — DPWH Sec.

0
31

Binigyang diin ni Public Works and Highways Sec. Mark Villar na mas mapapakinabangan ang bagong mga proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build” Program.

Ito ay matapos batikusin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang “Build, Build, Build’ Program matapos mapag-alaman na siyam lamang mula sa 75 flagship programs ang nasimulan.

Ayon kay Villar, na-revised na ang mga nasabing flagship program kung saan mayroong 100 proyekto sa kanilang bagong listahan at 35 dito ang kasalukuyang ginagawa na o nasa “on-going construction”.

Aniya, makatwiran lamang ang pag-rebisa sa listahan dahil may mga proyekto na mahirap ikasa dahil sa mga iba’t-ibang isyu kung saan ang mga bagong proyekto naman ay may malaking tulong sa iba pang programa ng gobyerno.

Dagdag pa ni Villar, posible pang mabago ang mga proyekto sa ilalim ng flagship projects ng “Build, Build, Build” dahil maaring may mga irekumenda pang bagong proyekto na mas kapaki-pakinabang sa publiko.

Samantala, pinabulaanan naman ng kalihim ang mga akusasyong binago ang listahan upang itago ang kapalpakan ng gobyerno na matupad ang mga pangako ng nasabing programa.

“Kung hindi naman batas yung returned, hindi dapat maging priority. Ang ipa-prioritize, yung projects na may malaking benefits so it’s more of I would say, naging mas efficient. We decided to prioritize because of high (…) of return. Tingnan niyo nalang yung listahan. Kayo nalang ang mag decide kung ano yung impact ng projects but I can rest assure that marami pa tayong high impact projects,” ani Mark Villar.