Walang alkalde sa Metro Manila na sangkot sa illegal drugs — PNP

0
58

Nilinaw ng Philippine National Police o PNP na walang alkalde sa Metro Manila ang sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay PNP NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, dumaan na sa masusing pagsusuri ang mga alkalde kung saan napatunayan na walang ni isa sa 17 metro mayors ang may kaugnayan sa operasyon ng illegal drugs.

Sa kabila nito, patuloy aniya ang gagawing review sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga pulis.