Missile launch na ginawa ng China malapit sa Spratlys iniimbestigahan na

0
49

Nakatakdang imbestigahan ng DND o Department of National Defense ang ulat na nagkaroon ng missile launch ang China malapit sa Spratlys Island.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi umabot sa kanilang kaalaman ang naturang missile test ng China.

Aniya, magsasagawa ng imbestigasyon ang ahensya at kung mapapatunayan ay saka pagdedesisyunan kung ano ang susunod na magiging pagkilos ng bansa.

Una nang nagpahayag ang Pentagon ng kanilang pagkabahala dahil ang naging pagkilos ng China ay taliwas sa pangako nitong hindi magsasagawa ng militarisasyon sa naturang teritoryo.