Nangyaring food poisoning sa Pasig iniimbestigahan na

0
43

Iniimbestigahan na ng Pasig City Rescue at City Health Office ang kaso ng mahigit 200 mga biktima ng food poisoning sa isang event sa Ynares Stadium sa Pasig City.

Kabilang sa tinitignan ay ang kinain ng mga biktima tulad ng Adobong Manok sa Gata, Kanin at tubig na kanilang ininom.

Samantala, nasa maayos namang kalagayan si dating first Lady Imelda Marcos at kanyang pamilya na dumalo sa mismong event.

Nangako ang pamilya na aalamin kung sino ang catering service na nagpakain sa mga biktimang nag suka at nahilo matapos na makakain ng Adobong Manok.