Wack-Wack Golf and Country Club isinailalim sa lockdown

0
10

Isinailalim na sa lockdown ang Wack-Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.

Ito’y makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isa sa kanilang dayuhang panauhin nang makabalik ito sa Singapore.

Magsasagawa naman ng sanitation at pagdi-disinfect ang Golf and Country Club habang nakasara ang lugar.

Ika-dalawa ng Marso nang magtungo ang dayuhan na inimbitahan ng isang miyembro ng club.

Bagaman hindi gumamit ng locker room ang guest minabuti ng club member na ipaalam sa kanilang pamunuan na nagpositibo ito sa COVID-19 nang umuwi sa Singapore.

Samantala, kasalukuyan nang naka-quarantine ang dalawang caddies na nagsilbi sa miyembro at kasama nitong dayuhan.