5 residente sa Marikina City ang kabilang sa mga positibo sa COVID-19

0
20

5 sa 33 kumpirmadong kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) ay mga residente ng Marikina City.

Ito mismo ang kinumpirma ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro.

Ayon sa Alkalde, nagpositibo sa naturang virus ang asawa at ilang household workers ng isang Amerikanong una nang nasuring positibo sa COVID-19.

Dagdag pa ni Teodoro, ang naturang Amerikano ay mula sa San Diego sa California na bumalik lamang sa Pilipinas.

Dumaan din aniya ito o nag lay-over sa South Korea bago lumapag sa bansa noong Pebrero 19.

Ika-6 naman aniya ng Marso nang dinala ito sa ospital kung saan na-diagnose itong may pneumonia at tuluyang nakumpirmang positibo sa virus noong ika-9 ng Marso.