Health Minister ng UK positibo sa COVID-19

0
9

Nagpositibo sa COVID-19 ang mismong Health Minister ng United Kingdom.

Naka-isolate na ang opisyal na si Nadine Dorries matapos makumpirmang positibo ito sa naturang virus.

Isinara na rin muna ang parliamentary office nito.

Ayon kay Dorries, nagsasagawa na ng contact tracing ang public health England sa kanyang mga nakasalamuha.

Lubos umano ang kanyang pag-aalala sa kanyang 84 anyos na ina na nag-aalaga sa kanya dahil may sintomas na rin ito ng ubo.

Samantala, nagpasalamat naman ang opisyal sa mga nananalangin para sa kanyang paggaling.