VP Robredo pinangunahan ang launching ng senatorial slate ng opposition sa 2019 elections  

0
47

Pinangunahan ni Vice President Leni Robredo ang launching ng senatorial slate ng oposisyon sa 2019 midterm elections.

Sa kanyang talumpati, ipinagmalaki ni Robredo ang oposisyon at nananawagan ng suporta para sa mga kandidato ng “oposisyon koalisyon.”

Ang mga ito ay sina re-electionist Senador Bam Aquino, dating Senador Mar Roxas na hindi nakadalo sa naturang aktibidad, Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano; dating Solicitor General Florin Hilbay;

Dating Congressman Erin Tañada, election lawyer Romulo Macalintal, Maranao leader Samira Gutoc-Tomawis at human rights lawyer Chel Diokno.

“Madami pong nagsasabi, hindi madali maging oposisyon ngayon. Yung lahat ng naglalakas-loob magrekalmo, lahat ng naglalakas-loob na tumutuligsa, minamaliit, niyuyurakan kinakasuhan, kinukulong. Madami ang nagsasabi na natutulog ang oposisyon, pero buhay na buhay po ang oposisyon.” Pahayag ni Robredo.