Duterte may napili na kapalit kay ex-SAP Go

0
47

May napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na kapalit ni dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go.

Ipinakilala ito ng pangulo sa kanyang talumpati sa Philippine Quality Award and Conferment Ceremony sa Malakanyang na kinilalang si Senior Inspector Sofia Loren Deliu.

Si Deliu ay dating contestant sa Miss Earth Philippines beauty pageant at kasalukuyang junior officer ng Philippine National Police (PNP) na bahagi din ng Presidential Security Group (PSG).

Napag-alamang ang police officer na ito ay inaanak ng Pangulong Duterte.

Nilinaw naman ni Go na itinalaga si Deliu bilang aide ng pangulo at hindi bilang Special Assistant to the President.