Paglalagay ng SRP sa karneng manok at baboy tinitignan

0
59

Tinitignan ng mga otoridad ngayon ang posibleng pagtatakda ng suggested retail price (SRP) para sa mga karneng baboy at manok.

Layon nitong matiyak na tama ang presyo at maproteksyunan ang karapatan ng mga mamimili.

Ayon sa National Federation of Hog Farmers, kabilang sa mga ipinapanukala ang pagpapataw ng P200 na SRP sa kada kilo ng baboy na kasalukuyang may farm gate price na P130 kada kilo.

Ang manok naman na may farm gate price na P75 kada kilo ay posibleng lagyan ng SRP na P125 kada kilo.

Gayunman, nakatakda pang isapinal ng mga otoridad ang naturang SRP sa karneng manok at baboy.