VP Robredo pinangunahan ang ICAD meeting kahapon

VP Robredo pinangunahan ang ICAD meeting kahapon

by Powered by DWIZ
0 comment 11 views

Pinangunahan ni Vice President Leni Robredo bilang anti drug czar ang kaniyang unang meeting sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD, kahapon.

Sa naturang pulong, muling iginiit ni Robredo ang kaniyang pagtutol sa mga patayang nagaganap sa kampanya kontra iligal na droga.

Kasabay nito, umapela rin si Robredo sa lahat ng sangay ng gobyerno na makiisa sa kampanya kontra iligal na droga.

Sa nasabing pulong, dumalo sina Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, DILG Sec. Eduardo Año at PNP-OIC Lt. Gen. Archie Gamboa.

Habang present rin sina Dangerous Drugs Board o DDB Chair Catalino Uy, Trade and Industry Sec. Ramon Lopez at Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag.

Giit ni Robredo, ang pagkakaisa ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan ang isa sa paraan upang magtagumpay ang kampanya kontra iligal na droga.

Kaugnay nito, nilinaw rin ni Robredo na hindi siya humahadlang sa kampanya ng pamahalaan laban sa bawal na gamot ngunit dapat ay na-aayon ito sa batas.

“I believe that drug addiction is a serious problem that our country is facing. Number 2, I’m all for a strong national policy against illegal drugs and I’m all for a vigorous anti-drug campaign pero having said that, I also feel that we should do things right. Everything that we’re doing should be within the bounds of the rule of law. I would like to believe that despite our differences, iisa lang naman yung hangarin natin. At ang hangarin natin ay maging matagumpay yung kampanya laban sa iligal na droga. Ang having said that, I would also like to believe that people expect us to go beyond the differences and for us to work together kasi sa pagkakaisa, nandoon naman yung mas madaling makamtan natin yung ating minimithi na tagumpay,” ani Vice President Leni Robredo.

0 comment

Related Posts