Pagtaas ng halaga ng alak solusyon sa malakas na pag inom ng alak ng mga Pinoy — Pia Cayetano

Pagtaas ng halaga ng alak solusyon sa malakas na pag inom ng alak ng mga Pinoy — Pia Cayetano

by Powered by DWIZ
0 comment 8 views

Naniniwala si Senator Pia Cayetano na ang pagtaas ng halaga ng alak ang solusyon sa malakas na pag-inom ng alak ng mga Pilipino.

Sa ilalim ng Senate Bill Number 1074 na inihain ni Cayetano, layon nitong madagdagan ang excise tax na nakapatong sa mga alak at electronic cigarettes.

Ayon pa kay Cayetano, maging ang World Health Organization o WHO ay nababahala na sa malakas na pagkonsumo ng mga nakalalasing na inumin hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Base sa 2018 expanded national nutrition survey ng Department of Science and Technology, nasa 55.7 percent ng adult Filipino ang malakas kumonsumo ng inuming nakalalasing.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Cayetano na ito ang nagtulak sa kaniya para ihain ang nasabing panukala dahil naka-aalarma aniya ang naturang bisyo at lubha itong nakasasama sa kalusugan.

0 comment

Related Posts