VP Robredo nais palitan ang kampanya na “oplan tokhang’’

VP Robredo nais palitan ang kampanya na “oplan tokhang’’

by Powered by DWIZ
0 comment 9 views

Nais ni Vice President Leni Robredo na palitan ang anti drug campaign ng administrasyon na “Oplan Tokhang”.

Ito ang iginiit ni Robredo sa unang pulong ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs, o ICAD kahapon.

Ayon kay Robredo, iba na ang imahe sa publiko ng naturang kampanya ng Philippine National Police o PNP dahil sa aniya’y patayan sa anti-drug operations.

Aniya, isa kasing sakit o medical at sociological problem ang problema sa iligal na droga kung kaya’t panahon na para palitan ang “Oplan Tokhang” ng isang kampanya kung saan walang inosenteng buhay ang mabubuwis.

“I do not see this as a problem of crime only. Ang kalaban po natin dito ay hindi mga kababayan natin. Ang kalaban natin dito ay droga. Dahil ang kalaban natin ay droga, we should also look at it not just using the lens of crimes or criminal justice but also using the lens of health and the fact that addiction is a medical and a sociological problem. I’ve always been very vocal about my opposition against the killings that accompanied operation “tokhang”. Yung sakin, yung pagkakatok, pagse-search, okay yun, pero because of the many senseless killings that accompanied operation “tokhang”, parang naka reach siya ng certain level of notoriety na pag sinabing “tokhang” ay it is a war against the poor. I think it is upon us. It is incumbent upon us na mabago yung kaisipan na yun,” ani Vice President Robredo.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Robredo na nakagugulat ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinatayang nasa pito hanggang walong milyon pa ang drug users sa bansa sa kabila ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

Dagdag pa ni Robredo, marami pang kailangang gawin ang pamahalaan upang masawata ang iligal na droga sa bansa.

“Marami nang mga accomplishments pero siguro everyone would also agree with me na despite of many gains and accomplishments, marami parin tayong kailangan gawin and siguro today is an opportunity for all of us to take stock of ano ba yung mga mabubuting ginagawa para yung mga mabubuting ginagawa o yung mga effective na ginagawa ay ipagpapatuloy na gagawin pero ano yung mga ginagawa na hindi nagbibigay sa atin ng mga desired result. Baka yun yung pag isipan natin,” ani Vice President Robredo.

0 comment

Related Posts