Magkasunod na lindol naramdaman sa Eastern Samar at Sultan Kudarat

Magkasunod na lindol naramdaman sa Eastern Samar at Sultan Kudarat

by Powered by DWIZ
0 comment 12 views

Naramdaman ang magkasunod na lindol sa Eastern Samar at Sultan Kudarat kahapon, Nobyembre 8.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (PHIVOLCS), naitala ang 5.1 magnitude na lindol bandang 1:30 ng hapon sa layong 33 kilometro sa kanlurang bahagi ng Guiuan at may lalim na 3 kilometro.

Makalipas naman ang 7 minuto ay tumama naman ang lindol sa silangang bahagi ng Columbio at may lakas na magnitude 4.1.

Inaasahan namang makakaramdam ng aftershocks matapos ang dalawang lindol.

0 comment

Related Posts