DFA nagbabala kaugnay sa mga gumagamit ng tourist visa para makahanap ng trabaho sa ibang bansa

DFA nagbabala kaugnay sa mga gumagamit ng tourist visa para makahanap ng trabaho sa ibang bansa

by Powered by DWIZ
0 comment 8 views

Nagbabala ang Department of Foreign Affairs o DFA sa mga pilipinong aplikante na gagamit ng tourist visa para makahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Ito ay matapos mapauwi ng Pilipinas ang 71 distressed OFWs o Overseas Filipino Workers mula United Arab Emirates, kahapon.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, posibleng makaranas ng pang-aabuso ang mga aplikante na walang tamang dokumento.

Aniya, dumarami ang natatanggap na reklamo ng kagawaran hinggil sa illegal recruitment.

Samantala, sinagot naman ng DFA ang biyahe ng mga naturang OFW pauwi ng Pilipinas at ang pag-poproseso ng exit visa ng mga ito.

0 comment

Related Posts