VP Robredo hindi na kailangang sumama sa actual drug ops —DOJ

0
17

Kumbinsido si Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi na kailangan pang sumama ni Vice President Leni Robredo sa mga aktwal na drug operations.

Kaugnay ito ng pag-tanggap ni Robredo sa hamon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Dir. Gen. Aaron Aquino na sumama sa mga operasyon upang makita nito ang katotohanan sa likod ng war on drugs.

Ayon kay Guevarra, posibleng ma-abala lamang si Robredo sa mga naturang operasyon dahil makakakuha ng atensyon ang presensiya ng pangalawang pangulo sa mga drug operations.

Aniya, mas makabubuti kung imomonito na lamang ni Robredo ang mga nasabing operasyon.

Una rito, nilinaw naman ni Aquino na hindi obligado si Robredo na sumama sa kanilang mga operasyon.