29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Tolentino tiwalang masosolusyunan ng MMDA ang problema sa trapiko ng Metro Manila

- Advertisement -

Kakayanin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na solusyunan ang lumalalang problema sa trapiko sa kalakhang Maynila.

Ito ang binigyang diin ni Senator Francis Tolentino sa budget deliberation ng Senado, kahapon ng Miyerkules, Nobyembre 13.

Ayon kay Tolentino, nasa P4.7-billion ang nakalaang pondo para sa MMDA sa proposed budget para sa susunod na taon, kaya’t tiwala siya na kayang ayusin ng ahensiya ang problema sa trapiko.

Aniya, ang kailangan lang kasi ng MMDA ay logistical support at sapat na pondo para magampanan ng ahensiya ang kanilang tungkulin.

Matatandaang, si Tolentino ang may akda ng Senate Bill 213 na layong bigyan ng emergency powers si Pangulong Duterte sa loob ng dalawang (2) taon upang maayos ang problema sa trapiko sa Metro Manila, Metro Cebu, Davao City, Cagayan de Oro, at iba pang highly urbanized na lungsod.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -