Mga Pilipino ligtas sa bushfire sa Australia —DFA

0
20

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino ang apektado ng nagpapatuloy na bushfire sa ilang bahagi ng Australia.

Batay sa ulat ng embahada ng Pilipinas sa Canberra, consulate general sa Sydney, walang Pilipino ang nasawi o nasugatan sa bahagi ng New South Wales, Queensland at Western Australia.

Gayunman, tiniyak naman ng DFA na patuloy nilang tinututukan ang sitwasyon sa mga apektadong lugar.