VP Robredo dapat hayaan na gampanan ang kanyang tungkulin bilang co-chair ng ICAD — Malakanyang

0
22

Dapat na hayaan si Vice President Leni Robredo na gampanan ang kanyang tungkulin bilang co-chair ng ICAD.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos maganap ang unang pulong ni Robredo bilang co-chair ng naturang komite.

Paliwanag ni Panelo, dapat na bigyan ng tsansa si Robredo na gampanan ang kaniyang trabaho at makapagsagawa ng kaukulang assessment hinggil sa anti-drug operations ng pamahalaan.